Pinaiigting ng Philippine National Police Maritime Group ang pagbabantay sa mga tinatawag na backdoor routes sa bansa upang maiwasan ang posibleng pagtakas ng mga personalidad na sangkot umano sa maanumalyang flood control projects.

Ayon kay PNP Maritime Group Deputy Director for Operations Col. Pedro Martirez Jr., nakikipag-ugnayan na sila sa mga lokal na pamahalaan at awtoridad tulad ng Bongao, Tawi-Tawi upang bantayan ang mga dayuhang nagkukunwaring turista at posibleng gamitin ang ruta papuntang Malaysia at iba pang bansa.

Kasama aniya sa kanilang direktiba ang agarang pagharang sa mga personalidad na may mga kasong naihain na upang mapigilan ang kanilang paglabas ng bansa.

Maalalang, kabilang sa mga binabantayan ng awtoridad ang 33 personalidad na nasa ilalim ng immigration lookout bulletin order ng Department of Justice, sa kahilingan ng Independent Commission for Infrastructure.

Kasama sa listahan ang ilang kilalang pangalan sa politika tulad ni dating House Speaker Martin Romualdez, dating Senate President Francis Escudero at mga Senators Jinggoy Estrada at Joel Villanueva, pati na rin sina dating Senador Bong Revilla at Nancy Binay.

-- ADVERTISEMENT --