Nasawi ang isang backhoe operator matapos magpakamatay sa Brgy.Camasi, Penablanca Cagayan.

Kinilala ni PCAPT.Lief Bernard Guya deputy chief of police ng PNP Penablanca ang biktima na si Alyas Tony, 42 anyos, at residente sa bayan ng Gattaran.

Una rito ay nakatanggap ng tawag ang mga kapulisan mula sa isang concern citizen kaugnay sa nangyaring insident.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakita umano ng katrabaho ng biktima ang wala ng buhay nito na nakatali at nakabitin lampas sampung metro ang taas mula sa pinagtalian nito ng lubid sa kanilang bunkhouse.

Agad itong nagtawag ng tulong upang maibaba at madala sa pagamutan ang biktima sa pagbabakasakaling maililigtas pa ngunit idineklarang dead on arrival ng umasikasong doctor.

-- ADVERTISEMENT --

Napag alaman na bago umano ang pagpapakamatay ng biktima ay nakapag post pa ito ng umiiyak at napapansin rin ng kanyang mga kasamahan na mayroon itong problema sa pamilya.

Wala rin aniyang kasama si Tony sa bunkhouse dahil nagsisi-uwian ang kanyang mga katrabaho palagi.

Ayon kay Guya, posibleng nangyari ang insidente ng madaling araw bago ito nadiskubre ng kanyang kasamahan.

Wala namang nakikitang foul play sa nangyaring insidente habang naiuwi na rin ang bangkay ng biktima sa kanilang tahanan.