Isasailalim sa 14-days na Enhanced Community Quarantine ang bayan ng Baggao, Cagayan dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19.

Napagdesisyunan ng Regional Inter-Agency Task Force na ilagay sa pinakamahigpit na quarantine classification sa bansa ang Baggao simula bukas, August 24 hanggang September 6, 2021.

Base sa pinakahuling datos, mayroong 317 active cases ng COVID-19 ang Baggao, 58 ang death case habang 1,374 ang recoveries.

Samantala, sasailalim din sa pinakamahigpit na quarantine classification o ECQ ang bayan ng Solana na magsisimula din bukas.

Sa ilalim ng ECQ, pinapayuhan ang lahat na manatili lamang sa loob ng kanilang bahay.

-- ADVERTISEMENT --