Handang maghain ng pormal na sagot ang kampo ni Baggao, Cagayan Mayor Joan Dunuan hinggil sa memorandum order na ibinaba ni Governor Manuel Mamba upang magpaliwanag sa umanoy posibleng paglabag ng alkalde sa Bayanihan to Heal as One Act.

Kaugnay ito sa viral video at mga litrato ng alkalde na kumalat sa social media na sumasayaw sa isang kasalan nang walang suot na facemask.

Paliwanag ni Dunuan, ang naturang pagtitipon ay noon pang nasa ilalim ng General Community Quarantine ang Baggao na mas maluwag kumpara sa MECQ na status sa kasalukuyan.

Bahagi ng panayam kay Baggao, Cagayan Mayor Joan Dunuan

Binigyang-diin din ng alkalde na hindi niya intensyon na lumabag sa anumang batas nang makita itong sumasayaw sa naturang pagtitipon ng walang suot na facemask.

Aniya, tanghaling tapat nang ito ay makunan ng video at napakainit sa lugar kung kaya tinanggal niya pansamantala ang suot na facemask dahil basa na ito sa pawis.

-- ADVERTISEMENT --
Bahagi ng panayam kay Baggao, Cagayan Mayor Joan Dunuan

Dagdag pa ni Dunuan na fully compliant ang lokal na pamahalaan ng Baggao sa lahat ng direktiba ng nasyonal na pamahalaan habang umiiral ang community quarantine kontra COVID-19.

Bahagi ng panayam kay Baggao, Cagayan Mayor Joan Dunuan

Samantala, ikinaalarma ni Dunuan ang paglobo ng COVID-19 cases sa kabuuang bilang na 191 kung saan 15 na ang naitalang nasawi, lalo na sa Brgy San Jose, Poblacion at Tungel.

Dahil dito, pupulungin niya mamayang gabi ang Municipal IATF upang pag-usapan ang mga hakbang na kailangang gawin para mapababa ang mga tinatamaan ng virus.

Makikipag-ugnayan din aniya sila sa DOH para sa posibleng pagsasagawa ng genome sequencing upang matukoy kung may variant virus ang mga pasyente na nagpostibo.

Bahagi ng panayam kay Baggao, Cagayan Mayor Joan Dunuan