
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink sa bagong abogada na si Atty. Alaiza Agatep Adviento na rank 3 siya sa 2025 Bar Examinations.
Sa panayam ng Bombo Radyo Tuguegarao, sinabi ni Adviento, tubong Lasam, Cagayan, 26 anyos, laking gulat at tuwa niya nang marinig niya habang nanonood siya sa live streaming ang pag-anunsiyo ng Supreme Court ng mga top notchers na rank 3 siya sa Bar exams.
Sinabi ni Adviento, hindi siya makapaniwala na makakasama siya sa top notchers dahil bahagyang nawalan siya ng kumpiyansa sa exam dahil nahirapan siya sa huling subjet na remedial law.
Nakakuha ng 91.91 percent na score si Adviento sa Bar exam
Si Adviento ay nagtapos ng Bachelor of Science in Accountancy sa University of Sto. Tomas-Manila, bago siya kumuha ng law.
Sinabi ni Adviento na mananatili siya sa kanyang pinagtatrabahuan na law firm para at balak din niyang pumasok sa academe.










