Inaasahan ng Department of Health (DOH) na maaprubahan na ang bagong bakuna kontra dengue ng Food and Drug Administration ngayong 2024.

Ginawa ni Health Secretary Ted Herbosa ang pahayag kasabay ng pag-doble kayod ng ahensiya para mapigilan ang outbreaks ng dengue matapos na makapagtala ng 15% na pagtaas sa mga kaso sa unang kalahati ng 2024 kumpara sa parehong period noong 2023.

Ayon sa kalihim, nakapag-apply na ang Japan-based na Takeda Pharmaceuticals para sa certificate of product registration ng kanilang QDENGA vaccine mula sa FDA noong nakalipas na taon.

Pag-aaralan naman ng FDA ang mga requirement na isinumite ng Takeda Pharmaceuticals na isa sa pinakamalaking pharma company sa buong mundo bago aprubahan ang kanilang bakuna at ipadala dito sa Pilipinas.

Kadalasan kasi aniyang inaabot ng isang taon ang proseso kayat posibleng anumang oras ngayong taon ay maaprubahan na ang kanilang aplikasyon.

-- ADVERTISEMENT --