Ang Run Nation Championship (RNC) ay isang controversial contact sport na head-on collision o banggaan ng dalawang katao na layunin na patumbain ang bawat isa.

Karaniwan ang head-on collision sa pagitan ng players sa physical sports tulad ng football o rugby, subalit kakaiba ang RNC dahil dalawa lang ang magbabanggaan at matira ang matibay.

Ang Run National Championship ng Australia ay isang brutal sport na sumisikat ngayon sa kabila ng kontrobersiya na bumabalot dito.

Nabuo ang Run Nation mula sa sa “run it straight,” isang social media trend na may random na katao na nagbabanggaan para sa pagyayabang at online views.

Simple lang ang Run Nation Championship.

-- ADVERTISEMENT --

Dalawang malalaki ang muscle ang magkalayo ng ilang metro at mabilis na tatakbo para magbanggaaan na walang protective gear maliban sa mouthguard.

Ang mananalo sa nasabing sport ay ang nakatayo at sumisigaw, at ang talo ay ang gumugulong na sa lupa.

Tulad ng boxing, ang RNC ay may iba’t ibang weight class, at karamihan ng participants, na tinatawag na runner, ay may background sa combat, rugby, o American football

Sa kabila ng kontrobersiya sa nasabing bagong laro, ang second edition ng Run Nation Championship ay nakabenta ng 5,500 seat sa Hordern Pavilion sa Sydney.