Maaring maaprubahan na ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) ang second-generation dengue vaccine.
Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa na nag-apply na ng certificate of product registration (CPR) mula pa noong nakaraang taon ang QDENGA vaccine ng Takeda Pharma mula sa Japan.
Dagdag pa ng kalihim na gaya ng nakagawiang proseso na aabot sa isang taon ang proseso kaya maaring lumabas na ngayong taon ang nasabing lisensya nito.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay nanawagan ang mga doctors mula sa iba’t-ibang pagamutan na aprubahan na ng FDA ang lisensiya ng QDENGA dahil sa maraming mga bansa ang gumagamit nito at nahuhuli na ang Pilipinas.