Bahagyang tumaas ang banta ng bagong diskubreng asteroid sa nakalipas na ilang linggo, habang sinusubaybayan ng telescopes ng mundo ang tinatahak nito.

Gayunman, maliit pa rin ang tsansa ng impact nito sa mundo.

Batay sa bagong calculations, may two percent chance na tatama ang space rock 2024 YR4 sa mundo sa 2032.

Ibig sabihin din nito na may 98 percent na ligtas itong dadaan sa ating planeta.

Inaasahan na magpapatuloy ang pagbabago ng landas ng astroid sa palibot ng araw, at ayon sa mga astronomers na may magandang tsansa na bababa sa zero ang panganib na idudulot nito sa mundo.

-- ADVERTISEMENT --

Ang asteroids ay mga bato sa kalawakan na umiikot sa araw na mas maliit sa planeta.

Naniniwala ang mga scientist na ang mga ito ay mga natira mula sa formation ng solar system 4.6 milyong taon ang nakakalipas.

Ayon sa mga scientist, may maraming asteroids ang umiikot sa pagitan ng Mars at Jupiter, kaya itinuturing ang nasabing rehion na pangunahing asteroid belt.

Nadiskubre ng telescope sa Chile ang asteroid 2024 YR4 noong Disyembre.