Nagdagdag ang prosecution panel ng International Criminal Court ng bagong ebidensya laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa utos ng Pre-Trial Chamber noong Pebrero 10, 2025.

Dalawang bagong item ang isinama, ngunit nananatiling confidential ang annex dahil sa sensitibong impormasyon ng mga testigo.

Dumating ang update ilang araw matapos payagan ng Pre-Trial Chamber ang parehong prosecution at defense na maghain ng bagong ebidensya.

Si Duterte, na inaresto noong Marso 11, 2025 pagbalik mula Hong Kong, ay inakusahan ng ICC na nagpondo ng death squads na sangkot sa pagpatay sa mga pinaghihinalaang drug users at dealers.

Tinanggihan ng korte ang kanyang kahilingan para sa interim release, at itinakda ang confirmation of charges hearing mula Pebrero 23–27, 2026 sa The Hague upang pagdesisyunan kung sapat ang ebidensya para ituloy ang kaso.

-- ADVERTISEMENT --

Ang hakbang ay bahagi ng patuloy na imbestigasyon ng ICC sa umano’y human rights violations sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang Mayor at Presidente ng Pilipinas.