Pormal ng ipinasakamay ang bagong evacuation center at relief warehousing facility ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) sa Local Govwrnment Unit ng Rizal Cagayan.
Ang naturang pasilidad ay mapakikinabangan ng 29 na barangay at malaking tulong sa kahandaan ng mamamayan sa mga sakuna.
Pinondohan ang nasabing proyekto ng mahigit P20 million pesos na bahagi ng KALAHI-CIDSS National Community-Driven Development Program – Additional Financing (NCDDP-A
Sa naturang halaga, P13,702,136 ang mula sa grant allocation, habang P4,827,420 naman ang Local Counterpart Contribution (LCC) ng Municipal Local Government Unit (MLGU) at P1,540,000 ang halaga sa pamamagitan ng kagamitan.
Ang dalawang-palapag na evacuation center, na may sukat na 12×22 metro, ay may opisina, storage room, pantry, silid para sa PWD at senior citizens, sleeping quarters, banyo, at mga pampublikong espasyo na magbibigay ng komportableng tirahan para sa mga apektadong pamilya tuwing sakuna.
Samantala, ang 20×30 metrong warehouse facility ay dinisenyo upang magkaroon ng maayos na imbakan para sa mga pang-emerhensiyang suplay.
Kaugnay nito ay binigyang-diin ni DSWD FO2 Assistant Regional Director for Administration Celso L. Arao, Jr., ang kahalagahan ng pagtutulungan sa pagtataguyod ng mga kagaya nitong proyekto.