Gumuho ang bagong gawang kalsada na bahagi ng road widening project sa Brgy. Kirang, Aritao, NuevaVizcaya.
Ayon sa ulat, isang jeep na puno ng kamatis at patungo sana sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT) ang nahulog sa gumuhong bahagi ng kalsada, na matatagpuan sa mismong baba ng boundary ng Brgy. Baan at Brgy. Kirang.
Una’y inakala ng mga nakakita na simpleng pagguho ng lupa lamang ang nangyari, ngunit kalauna’y natuklasang may nahulog palang sasakyan sa ibaba.
Agad na dinala sa Lt. Tidang Memorial Hospital ang mga biktima.
Sugatan ang driver, habang ang isa pang babaeng sakay ng jeep ay nabalian ng paa.
-- ADVERTISEMENT --