
Patay ang bagong kasal matapos ang pagsabog ng gas cylinder sa kanilang tahanan sa Islamabad, Pakistan, habang sila ay natutulog pagkatapos ng kasiyahan sa kanilang kasal.
Bukod sa mag-asawa, anim na iba pa kabilang ang mga bisita at ilang miyembro ng pamilya na nakatira sa bahay ang namatay din sa pagsabog.
Marami rin ang nasugatan sa insidente.
Sa lakas ng pagsabog, bumagsak ang bubungan ng bahay, lumipad ang mga pader, at nagkalat ang mga kagamitan.
Maraming Pakistani ang gumagamit ng liquefied petroleum gas cylinders para sa fuel at sa paglluto.
-- ADVERTISEMENT --
Marami na ring insidente ng pagsabog ng gas cylinders sa Pakistan dahil sa gas leaks.










