May naitalang bagong kaso ng mpox o ang dating monkeypox sa bansa.

Ayon sa Department of Health, may natanggap silang impormasyon ng bagong kaso ng mpox noong August 18, ang unang kaso ngayong taon.

Dahil dito, umaabot na sa 10 ang naitalang kaso ng mpox sa bansa.

Ang huling kaso ng mpox sa bansa ay noong December 2023.

Ang bagong kaso ay isang 33 anyos na lalaki na Filipino na walang travel history sa labas ng bansa subalit nagkaroon ng close, intimate contact tatlong linggo bago siya nakaranas ng mga sintomas.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa DOH, nagsimula ang sintomas matapos ang mahigit isang linggo na may lagnat at sinundan ng naiibang pantal sa mukha, sa likod, at sa iba pang bahagi ng kanyang katawan maging sa kanyang palad at talampakan.

Hindi tinukoy ang eksaktong kinaroroonan ng bagong kaso ng mpox, subalit sinabi na kinuha ang specimen nito sa isang government hospital at isnuri sa pamamagitan ng real-time polymerase chain reaction (PCR) test.