Tuguegarao City- Inaasahan ng pamunuan ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) na buong pusong gagampanan ng mga bagong talagang Hepe mula sa 8 bayan ng Cagayan ang kanilang tungkulin.

Ito ay matapos isagawa ang turn-over ceremony sa mga bagong hepe na manunungkulan sa 8 PNP stations sa Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PCAPT Aileen Nicolas, Acting Information Officer ng CPPO, kabilang sa mga bayan na mapapalitan ang hepe ay ang Abulug, Alcala, Amulung, Iguig, Gonzaga, Claveria, Lallo at Tuao.

Ipinaalala ni Nicolas na dapat pahalagahan ang tungkulin at pamumuno upang makapagbigay ng mas magandang serbisyo sa publiko.

Aniya, mananatili umano sa tanggapan ng CPPO ang mga dating hepe na napalitan upang maghanda sa iaatang na panibagong tungkulin sa kanila.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, nagpapatuloy aniya sa ngayon ang hanay ng PNP sa kanilang mandato sa pagsupil sa iligal na droga at kriminalidad maging sa pagtulong sa mga hakbang ng pamahalaan laban sa coronavirus.