Nanumpa na bilang bagong direktor ng National Bureau of Investigation (NBI) si Atty. Melvin Matibag, ayon sa Malacañang.

Nanumpa si Matibag sa harap ni Executive Secretary Ralph Recto.

Ayon sa Malacañang, nakikita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Matibag bilang isang mapagkakatiwalaan at may kakayahang magsilbi sa pamahalaan.

Noong 2023, nagbitiw si Matibag bilang secretary general ng PDP-Laban, ang political party na pinamunuan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.