Nagpatupad ng pagtaas sa bayad sa meet and assist service mula P800 hanggang P8,000 bawat tao ang bagong operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) ay nagpalawak ng mga bayad sa serbisyo matapos nitong makuha ang pamamahala ng pangunahing paliparan ng bansa noong Setyembre 14.

Inaalok ng NNIC ang tatlong opsyon sa serbisyo na nagkakahalaga ng P50,000 para sa hanggang siyam na pasahero, P100,000 para sa 10 hanggang 20 pasahero, at P140,000 naman para sa 21 hanggang 30 pasahero.

Habang ang VIP Lounge ay para lamang sa hanggang 10 tao at nag-aalok ng hindi bababa sa tatlo hanggang apat na guest pass, ayon sa NNIC.

May karagdagang singil din na P201.60 kung lalampas sa 10 ang bilang ng mga bisita.

-- ADVERTISEMENT --

Noong Oktubre 1, tumaas din ang bayad sa paradahan sa NAIA kasunod ng paglipat ng pamamahala at operasyon sa NNIC.