
Gagamit ang PAGASA ng bagong mga pangalan para sa mga bagyo ngayong taong 2026.
Bawat taon, binabago ng state weather bureau ang listahan ng mga pangalan ng bagyo na sumusunod sa alphabetical order mula A hanggang Z maliban sa letrang X.
Para sa taong ito, nakatakdang gamitin ng PAGASA ang Set II, na basehan ng mga pangalan na ginamit noong 2022.
Ipinaliwanag ng PAGASA, ang pangalan ng bagyo ay decommissioned o “retired” kung ito ay nakapagtala ng 300 katao na namatay o P1 billion na pinsala sa mga bahay, agrikultura, at imprastraktura, batay sa tala mula sa Office of the Civil Defense (OCD).
Dahil dito, ang mga pangalan na Agaton, Florita, Karding, at Paeng, pawang malalakas na bagyo na nag-iwan ng malaking pinsala sa ating bansa noong 2022 ay hindi na gagamitin.
Ang ipapalit na pangalan ay ADA, FRANCISCO, KIYAPO, at PILANDOK, na gagamitin ngayong 2026.
Narito ang listahan ng mga pangalan ng bagyo na gagamitin ngayong 2026:
Ada
Basyang
Caloy
Domeng
Ester
Francisco
Gardo
Henry
Inday
Josie
Kiyapo
Luis
Maymay
Neneng
Obet
Pilandok
Queenie
Rosal
Samuel
Tomas
Umberto
Venus
Waldo
Yayang
Zeny
Kung sakali na lalampas ang bilang ng bagyo para sa taong ito sa 25, gagamitin naman ang karagdagang auxiliary set, na ang mga sumusunod:
Agila
Bagwis
Chito
Diego
Elena
Felino
Gunding
Harriet
Indang
Jessa
Una rito, tinaya ng PAGASA na nasa walong bagyo ang inaasahang tatama sa ating bansa sa unang anim na buwan ng taon, kung saan inaasahan ang isang bagyo bawat buwan mula Enero hanggang Abril, at isa o dalawa sa Mayo at Hunyo.










