Pansamantalang nasa pangangala ng isang sanggunian bayan member sa Santa Fe, Nueva Vizcaya ang isang bagong panganak na sanggol na na babae natagpuan sa damuhan sa gilid ng kalsada sa nasabing lugar noong Abril 5, 2025.

Sinabi ni PMaj Sharon Mallillin, information officer ng Police Regional Office 2, ipinasakamay sa nasabing SB member ang pansamantalang pangangalaga sa nasabing sanggol habang hindi pa natutukoy ang ina o mga kamag-anak.

Ayon kay Mallillin, pinapayagan ito sa ilalim ng alternative care ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Sinabi ni Mallillin, isang lola ang nakakita sa nasabing sanggol sa damuhan sa gilid ng kalsada, matapos na marinig ang iyak ng isang sanggol.

Dahil sa mahina na umano ang lola para buhatin ang sanggol, tumawag siya ng binatilyo at dinala siya sa isang bahay bago ipinasakamay sa Rural Health Unit.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Mallillin na umaabot na sa 66 na indibidual ang nahuli sa mga checkpoints dahil sa paglabag sa Comelec gun ban sa rehion.

Ayon sa kanya, mula sa 61 operasyon, 56 anim naman ang nakumpiska na mga baril.

Ang pinakamaraming nahuli ay sa bayan ng Isabela.