Nagdadalamhati ngayon ang Philippine National Police Academy (PNPA) kasunod ng pagpanaw ng bagong kadete na si Ryan B. Lucena mula bayan ng Peñablanca, Cagayan nitong Mayo 7, 2025.
Ayon sa PNPA, unang dinala sa Academy Health Service si Lucena matapos itong mahimatay habang kumakain ng pananghalian.
Una umano siyang na-diagnosed ng heatstroke kaya mabilis nilapatan ng paunang lunas bago dinala sa PNP General Hospital.
Namalagi si Lucena sa Intensive Care Unit (ICU) kung saan natukoy sa pagsusuri ng mga duktor na lumala ang kondisyon nito at nagdulot ng Cardiogenic Shock, Intractable Hyperkalemia, Acute Kidney Injury, at Rhabdomyolysis Nephropathy.
Idineklara ng doktor na pumanaw na ang kadete kahapon ng hapon.
Nabatid na nanumpa si Lucena bilang bagong kadete ng PNPA noong May 5.
Inaasahan na darating ang mga labi ng kadete mamamayang gabi sa Peñablanca.
Bilang pag-alala at paggalang ay ibababa rin sa kalahating asta ang watawat sa tanggapan ng PNPA.