TUGUEGARAO CITY- Pinasinayaan kaninang umaga ang bagong quarantine facility para sa mga covid-19 patients sa Cagayan Valley Medical Center o CVMC.
Sinabi ni Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief ng CVMC na sa susunod na mga araw ay bubuksan na ang nasabing quarantine facility na may 34 bed capacity.
Ayon kay Dr. Baggao, ang bagong pasilidad ay mga container van na ginawang silid kung saan kumpleto ito sa amenities tulad ng banyo, aircondition unit, electric fan at iba pa.
Sinabi ni Baggao na sa nasabing quarantine facility ilalagay ang mga recovering o malapit nang ma-discharge na mga covid-19 patients upang may magamit na silid sa covid ward sa mga pasyente na critical o severe ang kondisyon.
Mayroon din aniyang inilaan na dalawang silid para sa mga medical staff na mangangasiwa sa mga pasyente sa nasabing pasilidad.
Sinabi niya na nagawa ang pasilidad sa tulong ng Department of Public Works and Highways at tanggapan ni Congressman Jojo Lara.
Samantala, sinabi ni Dr. Baggao na 83 ang nasa kanilang pangangalaga na covid-19 related patients na bumaba mula sa mahigit 100 noong January 21.
Sinabi niya na ang iba sa ay na-discharge na habang may lima naman na bagong pasok na mula sa Baggao, Amulung, Tuguegarao at Sanches Mira ngayong araw.
Sa 83 cases, 70 ang confirmed cases habang 13 naman ang suspected virus patients.
Pinakamarami sa kaso ay mula sa Tuguegarao na may 52 habang ang iba naman ay mula sa Solana,Pamplona,PeƱablanca, Gonzaga,Baggao, Iguig, Amulung, Ballesteros at Gattaran sa Cagayan, 14 mula sa Isabela at 4 mula sa Cordillera Administrative Region.