TUGUEGARAO CITY-Papalawakin pa umano ng bagong talagang Regional Director ng Department of Trade and Industry(DTI)Region 2 ang kaalaman ng mga mamimili kasabay ng kanyang pag-upo.
Ayon sa bagong Regional Director na si Romleah Juliet Ocampo ng DTI Region 2, ito’y sa pamamagitan ng pagbibigay ng edukasyon sa mga mamimili katuwang ang mga iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.
Aniya, layon nito na malaman ng mga mamimili ang kanilang karapatan sa mga binibiling produkto,kasabay ng mga naglipanang manloloko negosyante.
Bukod dito, papalawakin din ng director ang kaalaman ng mga negosyante ukol sa kanilang mga responsibilidad para mabigyan ng maayos na produkto at tamang presyo ang kanilang mga mamimili.
Samantala,sinabi din ng bagong director na kanyang tututukan ang investment sa rehiyon.
Nais umano aniyang mapataas ang kanilang partisipasyon sa “Global value chain” para hindi lamang supplier ng raw materials ang rehiyon sa halip ay nakikiisa rin sa paggawa ng mga produkto.
Si Ocampo ay dating nakatalaga sa Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM) o ang ahensiyang tumututok sa export promotion at mula rin sa promotion and marketing site ng DTI.