Pormal nang umupo si PBGen Antonio Marallag, Jr bilang bagong regional director ng Police Regional Office (PRO) 2.

Pinalitan ni Marallag si PBGen Christopher Birung na itinalaga bilang pinuno ng Philippine National Police Academy (PNPA).

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Marallag na ipagpapatuloy nito ang mga magagandang programa at aktibidad na nasimulan ni Birung at palakasin pa ang crime prevention at crime solution sa bawat Lungsod at bayan sa rehyion.

Hinimok rin nito ang kapulisan na panatilihin ang kanilang disiplina sa pagtupad ng tungkulin at laging piliin ang paggawa ng tama upang maibigay ang nararapat na serbisyo para sa mga mamamayan at para sa bayan.

Si Marallag ay tubong Tuguegarao City, Cagayan at kabilang sa PNPA Class “SANDIGAN” of 1994.

-- ADVERTISEMENT --

Siya ay nanilbihan sa PRO2 taong 2001 hanggang 2017 bago ito maitalagang acting regional director sa PNP Region 2.

Samantala, sa naturang seremonya ay inilatag rin ang mga accomplishments ni Birung kabilang na ang pagbaba ng crime rate sa rehiyon sa pamamagitan ng Project Ronda na layong palakasin ang police visibility sa komunidad.

Sa ilalim rin ng kanyang panunungkulan, mahigit 700 Top Most Wanted Persons at mahigit tatlong libo sa other most wanted ang nadakip na nagbigay daan para makuha ng Cagayan Valley ang highest number of arrested wanted persons sa buong bansa.

Nahuli rin ang tatlong potential private armed group na sina alyas jery at alyas rick ng alipio group at alyas Benjie ng babaran group.

Sa illegal drugs campaign, nasa halos isang libong drug personalities ang nadakip at halos P100 milyon halaga ng shabu at marijuana ang nakumpiska.

Sa insurgency 114 former ctgs at 114 din na NPA in the barrio at 884 ctg supporters ang napasuko.

Kabilang din sa mga programang ipinatupad ay ang civic society program activities at moral recovery program sa mga kapulisan at marami pang proyekto para matiyak ang kaayusan at katahimikan sa komunidad.

Sa kaniyang talumpati pinasalamatan ni Birung ang mga myiembro ng PRO 02 kasama ang mga stakeholders sa pampubliko at pribadong sektor na tumulong para mapagtagumpayan nito ang kaniyang pamumuno.