Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Negros Occidental Rep. Jose Francisco “Kiko” Bantug Benitez bilang bagong Director General ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) kapalit ni Suharto Mangudadatu.
Si Mangudadatu ay nagbitiw sa puwesto dahil kakandidato sa nalalapit na eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Si Benitez ay kinatawan ng third congressional district ng Negros Occidental at Chairperson ng Committee on Housing and Urban Development in the House of Representatives.
Tiwala naman si Pangulong Marcos na magagampanan ni Benitez ang tungkulin dahil sa malawak na karanasan nito sa edukasyon, development at public service.
Nagtapos din si Benitez ng doctorate sa Philosophy at kilala sa pagtataguyod sa social equity, economic growth, at ecological sustainability.
Umaasa naman si Pangulong Marcos na ang adbokasiya ni Benitez na digital transformation, education reform, at technological innovation ay malaking tulong sa TESDA.