Tuguegarao City- Humingi ng paumanhin ang Department of Pathology ng Baguio City General Hospital and Medical Center matapos ang pagkakaroon erroneous result sa pagsusuri sa isang medical frontliner sa Conner, Apayao.

Unang sinabi ng naturang testing center na positibo sa COVID-19 ang pasyente ngunit matapos ang beripikasyon ay negatibo pala ito sa sakit.

Sa inilabas na pahayag ng Baguio City General Hospital and Medical Center, isa sa dahilan ng nangyaring clerical error ay bunsod na rin sa dami ng mga specimen na sinusuri mula sa iba’t ibang mga lalawigan.

Tiniyak naman ng pamunuan ng Hospital na mananagot ang empleyado na naglabas ng maling resulta ng swab test na inilabas nitong Agosto 4.

Kaugnay nito ay agad namang binawi ni Conner Mayor Martina Dangoy ang ipinatupad na temporary lockdown sa Brgy. Malama, Ripang at Kupis matapos ang paglilinaw.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay umabot na sa 20 ang confirmed cases ng COVID-19 sa probinsya ng Apayao.