
Kinilala ng World Health Organization o WHO ang Baguio City dahil sa paggamit nito ng data para matukoy at matugunan ang mga pangangailangan sa kalusugan at serbisyong panlipunan ng mga residente.
Tumanggap ang lungsod ng “Data for Equity: Informing Action, Improving Health” award sa 2026 WHO Healthy Cities Recognition Awards, na ginanap sa Sydney, Australia noong Setyembre 1.
Nakabatay ang pagkilala sa barangay-level Livability Index ng Baguio, na tumutukoy sa mga pagkakaiba sa kalusugan, social conditions at access sa basic services sa bawat komunidad.
Ginagamit ang datos sa pagpaplano, pagbabadyet at paglalaan ng resources upang mas maituon ang mga programa at serbisyo sa mga lugar na higit na nangangailangan.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na nakatanggap ng naturang pagkilala ang Baguio matapos itong manalo noong 2021 para sa Smoke-Free Baguio campaign.





