Mababa ang tsansa na may mabubuong tropical cyclone o bagyo ngayong linggo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Ayon sa Pagasa, wala silang na-monitor na low pressure area base sa pinakahuling sattelite image.
Sinabi pa ng weather bureau, kadalasan na sa buwan ng Pebrero, maliit ang tsansa o kakaunti lang ang mga nabubuong bagyo maging sa buwan ng Marso.
Samantala, apektado pa rin ng northeast monsoon ang Northern at Central Luzon.
Habang apektado naman ng easterlies ang nalalabing bahagi ng bansa.
Ngayong araw, nararanasan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog sa Surigao del Sur, Davao Oriental, and Davao de Oro bunsod ng easterlies.
Maulap na kalangitan na may mga pag-ulan naman ang kasalukuyang nararanasan dito sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, and Quezo dahil sa northeast monsoon.
Northeast monsoon din ang dahilan ng nararanasang bahagyang maulap hanggang sa may maulap na kalangitan na may isolated na bahagyang pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, at nalalabing bahagi ng Central Luzon at CALABARZON.
Habang nararanasan ang bahagyang maulap hanggang sa may maulap na kalangitan na may isolated na pag-ulan o pagkulog sa nalalabing bahagi ng bansa bunsod ng easterlies.