Habang binabayo ng super typhoon Ofel ang northern Luzon, inaasahan naman na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi ang isa pang bagyo.

Ayon sa weather state bureau, namataan ang tropical storm na may international name na Man-yi na tatawagin naman na Pepito kung pumasok na ito sa PAR sa 1,375 kilometers east ng northeastern Mindanao.

Kaninang umaga, ang taglay na lakas na hangin ng sama ng panahon ay 85 km/h malapit sa gitna at pagbugso na 105 km/h.

Ito ay kumikilos sa direksiyong hilaga timog silangan sa bilis na 25 km/h.

Dagil sa high pressure area sa south ng Japan, tinaya na kikilos si Man-yi sa southwestward sa susunod na 12 oras bago ito kikilos ng westward malapit sa eastern boundary ng PAR.

-- ADVERTISEMENT --

Sa track forcecast, posibleng mag-landfall sa eastern coast ng Southern Luzon sa araw ng Sabado o sa Linggo.

Tinaya din na lalo pang lalakas si Man-yi at magiging severe tropical storm ngayong araw na ito at maaabot ang typhoon category sa Biyernes.