Nag-landfall na sa Giporlos, Eastern Samar ang Tropical Depression na si Aghon.

Tatawirin nito ang Samar Island ngayong araw at pagkatapos tutumbukin naman nito ang Bicol Region mamayang hapon o bukas ng madaling araw.

Sa linggo posibleng magsimula na itong mag-recurve papalayo sa kalupaan.

Ayon sa forcast, inaasahan na patuloy na lalakas ang bagyo sa mga susunod na araw dahil sa mainit na oceanic surface.

Si Aghon ay may lakas 55 km/h, bugso na 70 km/h, gumahalaw sa direksyong northwestward sa bilis na 20 km/h habang ito ay nasa bisinidad ng Balangiga, Eastern Samar ngayong umaga.

-- ADVERTISEMENT --

ANG TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL #1 AY NAKATAAS SA
(LUZON)
Polillo Islands, southeastern portion ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Lopez, Buenavista, Catanauan, Mulanay, San Narciso, San Francisco, San Andres, Tagkawayan), Sa Bicol, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, and Masbate kasama ang Burias and Ticao Islands

(VISAYAS)
Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, extreme northern portion of Cebu (San Remigio, Tabogon, City of Bogo, Medellin, Daanbantayan, Borbon) including Camotes at Bantayan Islands, at northeastern portion of Bohol (Pres. Carlos P. Garcia, Bien Unido, Trinidad, Anda, Candijay, Ubay, Mabini, Alicia, San Miguel, Talibon)

(MINDANAO)
Dinagat Islands, Surigao del Norte kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands, northern portion of Surigao del Sur (Cantilan, Madrid, Carmen, Carrascal, Lanuza, Cortes), northern portion of Agusan del Norte (Kitcharao, Jabonga, Santiago, Tubay)