Makulimlim at may kalat-kalat na mga mahina hanggang sa malalakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Kanlurang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng Habagat at ang extension ng Bagyong Danas o dating may Lokal name na Bising na kasalukuyang nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility.
Pangkalahatang maayos naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa, ngunit may tiyansa rin ng mga localized thunderstorm.
Ang bagyong Danas ay huling namataan sa layong 380 km sa hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes at nasa labas pa rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ito ay lumakas pa at isa nang ganap na typhoon.
Ngayon, ito ay may lakas ng hangin na umaabot ng 130 kph malapit sa sentro at may pagbugso ng hangin na umaabot hanggang 180 kph at ito ay mabagal na binabagtas ang direksyong pa-hilagang kanluran.
Ang 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗧 (𝗦𝗢𝗨𝗧𝗛𝗪𝗘𝗦𝗧 𝗠𝗢𝗡𝗦𝗢𝗢𝗡) naman ang patuloy na nakakaapekto sa ating bansa. Magdudulot ng paminsan-minsan mahihina hanggang sa katataman na mga pag-ulan sa Ilocos Region, Zambales, and Bataan.
Makulimlim at may mga kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, NegrosIslandRegion, ZamboangaPeninsula, BARMM at ang nalalabing bahagi ng CentralLuzon.
Bahagyang maulap naman hanggang sa makulimlim sa nalalabing bahagi ng bansa at may tiyansa ng mga localized thunderstorm, lalo na sa hapon at gabi.