Nakalabas na ang tropical depression Butchoy, isa sa dalawang tropical cyclones na pumasok sa bansa, ng Philippine area of responsibility, base sa state weather bureau nitong Sabado ng umaga.
Napanatili naman ng isa pang weather disturbance, ang tropical depression Carina, ang lakas nito habang kumikilos patungong west northwest sa Philippine Sea.
Sa abiso, sinabi ng PAGASA na ang sentro ni Butchoy ay tinatayang 565 kms. kanluran ng Iba, Zambales.
Kumikilos sa direksyong west northwestward sa bilis na 10 kph, si Butchoy ay mayroong maximum sustained winds na of 55 kph malapit sa sentro at gustiness hanggang 70 kph.
Subalit, inaasahang palalakasin ni Butchoy at Carina ang Southwest Monsoon o Habagat, na magdadala ng moderate to heavy rains sa western portion ng Luzon sa susunod na tatlong araw.