
Nalusaw na ang dating bagyong Caloy at isa nalang itong remnant low sa ngayon ngunit isang panibagong Low Pressure Area naman ang nabuo ngayong umaga ng Martes sa bahagi ng Palau at binigyan ng JTWC nang designated name na #96W habang kumikilos ito pa kanluran na direksyon.
May taglay ito na lakas nang hangin na umaabot sa 30kph.
Ayon sa monitoring, mababa pa ang tyansa na lumakas at maging ganap na bagyo ang LPA sa susunod na 5 araw at inaasahan din itong malusaw ngunit magpapaulan naman ang trough nito sa susunod na araw sa bahagi ng Eastern Visayas at Caraga Region.
Ayon naman sa datos ng Pagasa, itinaas na rin nila bilang Low Pressure Area ang nasabing cloudclusters kaninang alas-5am ng umaga.
Sa ngayon, malayo pa at wala pang direkta na epekto ito sa alinmang bahagi ng bansa, ngunit patuloy natin itong i-monitor sa posibleng mga PAGBABAGO ng forecast sa susunod na araw.










