Tuluyan nang naging super typhoon ang bagyong si Carina habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility.

Hanging habagat naman ang nagdadala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa partikulra na sa may bahagi ng western portion ng Luzon.

Pinalalakas kase ng Super Typhoon Carina ang habagat na nagdulot ng malawakang pagbaha sa rehiyon.

Kung hindi magbabago ang galaw ng bagyo, posible itong lumabas ng teritoryo ng bansa mamayang madaling araw o bukas ng umaga.

Batay sa kasalukyang datos ng Bombo Weather Center, huling namataan ang Centro ng super typhoon Carina sa layong 380 km North ng Itbayat, Batanes.

-- ADVERTISEMENT --

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong 230 km/h

Mabagal pa rin ang kilos ni Carina pa hilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h.

Sa ngayon , nanatiling nakataas ang siganl No. 2 SA lalawigan ng Batanes.

Dahil dito, asahan na ang malalakas na hagupit ng hangin at maliit na banta sa buhay at mga ari-arian.

Nakataas naman ang signal no. 1 sa Babuyan Islands, the northern portion of mainland Cagayan at the northern portion of Ilocos Norte

Inaasahang magla-landfall ang Carina sa hilagang bahagi ng Taiwan ngayong gabi.

Sa track forecast natin, tatawid ang super typhoon sa kalupaan ng Taiwan at lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas (25 July) ng umaga.

Pinapayuhan natin ang lahat na mag-ingat lalo na yung mga lugar na prone sa baha at pagguho ng lupa.