Lumakas at isa nang Tropical Storm Category ang Bagyong #CarinaPH na may international name na ngayong #GAEMI, ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA).
Taglay na ngayon ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kph at pagbugsong umaabot sa 95 kph. Kumikilos ito sa direksyong West Northwest sa bilis na 20 kph.
Inaasahang patuloy na lalakas ang bagyo sa mga susunod na araw habang kumikilos papalapit sa #ExtremeNorthernLuzon.
Ang Habagat at Tropical Storm #CarinaPH ang magdadala ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa western Luzon sa susunod na tatlong araw.
Sa ngayon wala pang nakataas na tropical cyclone wind signal pero posibleng itaas ang Wind Signal No. 1 sa Extreme Northern Luzon at eastern portion ng Northern Luzon.
-- ADVERTISEMENT --