
Napanatili ng bagyong Crising ang lakas nito habang kumikilos pa-West Northwestward sa karagatan ng silangan ng Bicol Region.
Huling namataan ang sentro ni Crising sa 535 km East ng Juban, Sorsogon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 km/hr malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 70 km/hr.
Ito ay kumikilos sa Kanluran Timogkanluran sa bilis na 15km/hr.
Nakataas na ang tropical cyclone win signal no. 1 sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, northeastern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao), Quirino, Kalinga, eastern portion ng Mountain Province (Sadanga, Barlig, Paracelis, Natonin), eastern portion of Ifugao (Alfonso Lista, Aguinaldo, Mayoyao, Banaue, Hingyon, Lagawe, Lamut), northeastern portion ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Bagabag, Diadi) at Apayao
Inaasahang lalakas pa ang tropical depression patungong tropical storm bukas ng umaga at posibleng maging ganap na severe tropical storm bago ang inaasahang pag-landfall nito sa Mainland Cagayan o Babuyan Island sa Biyernes ng gabi o Sabado.
Posibleng lumabas ng PAR si TD Crising sa Sabado ng hapon o gabi bilang isang severe tropical storm.
Bunsod ng TD Crising ay makararanas ngayong araw ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat ang bahagi ng Bicol Region, Eastern Visayas, Isabela, Aurora, Quezon, Dinagat Islands, at Surigao del Norte.
Samantala, mayroon paring southwest moonsoon o habagat na nagpapaulan ngayon sa malaking bahagi ng bansa.