Asahan na ang mabagyong panahon buong gabi sa Northern Luzon dahil sa napipintong pagtawid ng Tropical Storm Crising.

Ang enhanced habagat naman ang magdudulot ng pabugsu-bugsong malalakas na ulan at hangin sa malaking bahagi pa ng Luzon at kanlurang Visayas hanggang sa weekend.

Ang sentro ng bagyo ay huling nakita sa layong 135 km East ng Aparri, Cagayan. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 75 km/h at pagbugsong aabot sa 90 km/h. Kumikilos ito West Northwestward sa bilis na 20 km/h.

Ang sentro ng bagyong CRISING ay malapit na sa kalupaan at 𝗽𝗼𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗹𝗮𝗻𝗱𝗳𝗮𝗹𝗹 𝘀𝗮 𝗵𝗶𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗯𝗶 at tawirin ang Extreme Northern Luzon buong magdamag.

Sa mga susunod na oras, inaasahan na ang hanggang sa matitinding pag-ulan at malalakas na pagbugso ng hangin dulot ng pagdaan ng bagyo sa Batanes, Cagayan, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Ilocos Norte, Mountain Province, Ifugao, at Ilocos Sur. Pinakaramdam ito ngayong gabi hanggang bukas ng umaga.

-- ADVERTISEMENT --

Asahan rin ang pabugsu-bugsong mahina hanggang sa malalakas na pag-ulan at may kalakasang hangin dulot ng bagyo sa Aurora, nalalabing mga bahagi ng Ilocos Region, CAR, at Cagayan Valley.

Simula bukas (Sabado) ay inaasahang unti-unti nang hihina ang direktang epekto ng bagyo sa Northern Luzon dahil sa paglayo nito, ngunit magpapaulan pa rin ito sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, at Abra.