Huling namataan ang sentro ng bagyong Crising sa 470 kilometers East Northeast ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 km/hr malapit sa gitna, at pagbugso na 70 km/hr.
Bahagyang mabilis ang pagkilos nito sa 25 km/hr, pa-Hilaga Hilagangkanluran.
Nasa 300 km ang radius o ang layo mula sa sentro ng kabuuan ng bagyo.
Apektado ng bagyo ang Silangang bahagi ng Luzon at Visayas.
May mga kumpol din ng ulap sa ibang bahagi ng bansa, subalit ito ay dahil sa Habagat na nagdadala ng mga malalakas na pag-ulan.
Mananatili ang bagyo sa silangang bahagi ng Luzon.
Tinatayang ang lokasyon nito bukas ng umaga ay sa 350 km silangan ng Tuguegarao City sa loob ng 24 oras.
Inaasahan din na lalakas pa ang bagyo at magiging tropical storm.
Bukas ng umaga hanggang Sabado ng umaga, inaasahang ito ay nasa Silangan ng Northern Luzon, at inaasahan na tatawid sa mas malaking bahagi ng Northern Luzon, at posibleng magkaroon ng landfall bukas ng gabi sa mainland Cagayan.
Posibleng habang nagkakaroon ng landfall o pagkatapos ng landfall ay lalakas pa ito sa severe tropical storm at posibleng magtaas ng wind signals no. 2 kung mayroon tropical storm at signal no. 3 naman kung may sever tropical storm.
Tinatayang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo umaga ng Linggo at patungo ng Southern China.
Nakataas ngayon ang signal no. 1 sa southern portion of Batanes (Sabtang, Ivana, Uyugan, Mahatao, Basco), Cagayan including Babuyan Islands, Isabela, Quirino, the northeastern portion of Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Bagabag, Diadi, Bayombong, Solano, Ambaguio, Villaverde), the northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao), Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, the northern portion of Ilocos Sur (City of Vigan, Santa, Caoayan, Bantay, Nagbukel, Narvacan, Cabugao, San Juan, Sinait, Magsingal, San Ildefonso, Santo Domingo, San Vicente, Santa Catalina), and the northern and eastern portions of Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto)