Muling palalakasin ng panibagong bagyo ang hanging habagat na magdudulot ng maulan at mahanging panahon sa malaking bahagi ng Luzon at Western Visayas sa buong weekend.

Ang lokasyon ng sentro ng bagyong Dante ay namataan sa layong 1,130 km Silangan ng Northern Luzon. Tagalay nito ang lakas ng hangin malapit sa gitna na aabot sa 45 km/h at pagbugsong aabot sa 55 km/h. Kumikilos ang bagyo North Northwestward sa bilis na 20 km/h.

Inaasahan lalakas pa ang bagyong DANTE at posibleng umabot ng Tropical Storm habang kumikilos pa hilaga hilagang kanluran sa mga susunod na araw. Hindi naman inaasahang maglalandfall ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa.

Ganunpaman, ang 𝗵𝗮𝗯𝗮𝗴𝗮𝘁 (𝘀𝗼𝘂𝘁𝗵𝘄𝗲𝘀𝘁 𝗺𝗼𝗻𝘀𝗼𝗼𝗻) ay patuloy na magdudulot ng 𝗽𝗮𝗯𝘂𝗴𝘀𝘂-𝗯𝘂𝗴𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗶𝗻𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝗶𝘁𝗶𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 sa malaking bahagi ng bansa.

𝗧𝘂𝗺𝗮𝘁𝗮𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗶𝘆𝗮𝗻𝘀𝗮 𝗻𝗮 𝘂𝗺𝗮𝗯𝗼𝘁 𝗽𝗮 𝘀𝗮 𝘄𝗲𝗲𝗸𝗲𝗻𝗱 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas dulot ng enhanced habagat.

-- ADVERTISEMENT --