Lumakas pa at naging Tropical Storm ang Bagyong Emong. Ang lokasyon ng sentro ng bagyo ay nasa 130 km West of Laoag City, Ilocos Norte. Taglay nito ang lakas ng hangin malapit sa gitna na aabot sa 65 km/h at pagbugsong aabot sa 80 km/h. Ito ay kumikilos Southwestward sa bilis na 20 km/h

Inaasahang tutungo ito pa kanluran timog-kanluran sa susunod na araw at posibleng tumungo sa kalupaan. Maari itong maglandfall sa Ilocos Region sa mga susunod na araw.

Inaasahan lalakas pa ang bagyong EMONG at posibleng umabot ng Severe Tropical Storm habang kumikilos papalapit ng ating bansa sa mga susunod na araw.

Ang habagat naman na hinahatak ng bagyong Dante at Emong ay patuloy na magdudulot ng pabugso-bugsong mahina hanggang sa minsang matitinding pagulan at may kalakasang hangin sa ilang bahagi ng bansa.

๐—ง๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐˜„๐—ฒ๐—ฒ๐—ธ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ป sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas dulot ng enhanced habagat na maaari pang magdala ng mas malalang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na naapektuhan na ng nagdaang pag-ulan.

-- ADVERTISEMENT --