Nananatiling malakas ang bagyong Emong habang ito ay kumikilos pa-silangan sa bilis na 15 kilometro kada oras. Taglay nito ang lakas ng hangin na 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at may bugso na aabot sa 165 kilometro kada oras.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang mata ng bagyo sa baybaying-dagat ng Bolinao, Pangasinan.

Inaasahan na ito ay muling magla-landfall ngayong umaga sa pagitan ng La Union at Ilocos Sur, bago tumawid sa kabundukan ng Hilagang Luzon at lumabas patungong Babuyan Channel.

Sa ilalim ng Signal No. 4 ay ang southwestern portion ng Ilocos Sur na kinabibilangan ng Santa Lucia, Santa Cruz, Tagudin, Alilem, Sugpon, at Suyo; La La Union, kabilang ang northern at central portions gaya ng Bangar, Luna, Balaoan, Bacnotan, San Juan, City of San Fernando, Bauang, Agoo, Santo Tomas, Sudipen, Santol, Caba, Aringay, San Gabriel, Bagulin, Naguilian, at Burgos; at Pangasinan kabilang ang Agno, Bani, Bolinao, Anda, City of Alaminos, Burgos, Dasol, Mabini, at Sual.

Nasa ilalim naman ng Signal No. 3 ang southern portion ng Ilocos Norte (Laoag City, San Nicolas, Sarrat, Dingras, Solsona, Nueva Era, City of Batac, Marcos, Paoay, Currimao, Banna, Pinili, Badoc), natitirang bahagi ng Ilocos Sur at La Union, Abra, western portion ng Apayao (Conner, Kabugao, Calanasan), western Kalinga (Balbalan, Pasil, Tinglayan, Lubuagan), western Mountain Province (Besao, Tadian, Sagada, Bauko, Sabangan, Bontoc, Sadanga), western Benguet (Sablan, Mankayan, Tuba, Bakun, Kibungan, Kapangan, La Trinidad, Tublay, Baguio City, Atok), at central Pangasinan (Lingayen, Bugallon, Infanta, Dagupan City, San Fabian, Binmaley, Labrador, Sison, Pozorrubio, San Jacinto, Mangaldan, Calasiao, Santa Barbara, Mapandan, San Carlos City, Aguilar). Kasama rin dito ang extreme northern portion ng Zambales (Santa Cruz).

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, nasa ilalim ng Signal No. 2 ang natitirang bahagi ng Ilocos Norte at Pangasinan, northern Zambales (Masinloc, Candelaria, Palauig, Iba), natitirang bahagi ng Apayao, Kalinga, Mountain Province, Benguet, Ifugao, Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, at hilagang at kanlurang bahagi ng Isabela (Cordon, Santiago City, Ramon, San Isidro, Alicia, San Mateo, Cabatuan, San Manuel, Luna, Aurora, Burgos, Roxas, Quirino, Mallig, Delfin Albano, Quezon, Cabagan, Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Santo Tomas, Tumauini, Gamu, Ilagan City, Cauayan City, Reina Mercedes, Naguilian). Kabilang din dito ang northwestern Quirino (Diffun), at western at central Nueva Vizcaya (Kayapa, Santa Fe, Ambaguio, Aritao, Bambang, Bayombong, Villaverde, Solano, Bagabag, Dupax del Sur, Dupax del Norte, Kasibu, Quezon, Diadi), at northwestern Nueva Ecija (Nampicuan, Cuyapo, Talugtug, Lupao, Carranglan, Guimba), gayundin ang northern Tarlac (Mayantoc, Santa Ignacia, Gerona, Pura, Ramos, Anao, San Manuel, Moncada, Paniqui, Camiling, San Clemente).

Sa Signal No. 1 naman ay ang natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, ang northern at central portions ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis), natitirang bahagi ng Nueva Ecija at Tarlac, at western at central portions ng Pampanga (Porac, Floridablanca, Angeles City, Mabalacat City, Magalang, Mexico, Bacolor, San Fernando City, Santa Rita, Guagua, Arayat, Lubao, Santa Ana), pati na ang natitirang bahagi ng Zambales at northern Bataan (Dinalupihan, Hermosa, Morong).

Nagbabala rin ang PAGASA sa posibilidad ng storm surge na maaaring umabot sa 1.0 hanggang 3.0 metro sa mga baybaying lugar ng Batanes, Babuyan Islands, mainland Cagayan, Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, at Zambales.

May umiiral ding Gale Warning sa mga seaboard ng Northern, Central, at Southern Luzon. Pinapayuhan ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang-dagat na huwag munang pumalaot dahil sa mapanganib na lagay ng karagatan.