Dumaan ang bagyong enteng na walang naiulat na nasawi o malaking pinsala dito sa Lambak Cagayan.
Ayon sa ulat mula sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC), 292 pamilya, na may kabuuang 1,030 indibidwal, ang naapektuhan sa 18 munisipalidad sa rehiyon.
Sinabi ni Civil Defense Regional Director Leon DG. Rafael na ang mga pamilyang na nakatanggap ng tulong ang mga pamilyang isinailalim sa preemtive evacuation.
Namahagi ang Department of Social Welfare and Development ng 50 family food packs sa mga apektadong pamilya sa lalawigan ng quirino habang patuloy ang relief operations dito sa Cagayan at Isabela.
Sa ngayon, binanggit ni Rafael na walang naiulat na nasawi o malaking pinsala, ngunit mahigpit na binabantayan ng rdrrmc ang sitwasyon lalo na sa mga nasa low lying areas.
Pinangangasiwaan ng Department of Trade and Industry ang mga presyo at supply ng mga pangunahing bilihin at pinaalalahanan ang mga negosyante sa price freeze policy sa panahon ng kalamidad.
Bumalik na rin ang pasok ng mga mag-aaral at trabaho na unang nagsuspendi dahil sa naging banta ng bagyong enteng.