Napanatili ng Tropical Depression Gener ang lakas nito habang lumalapit sa kalupaan sa Northern Luzon ngayong gabi.
Huling namataan ito sa layong 240 km East ng Tuguegarao City. May dala itong lakas na 55km/h at bugsong umaabot sa 70 km/h.
Nakataas pa rin ngayon ang SIGNAL NUMBER 1 sa:
• Cagayan including Babuyan Islands,
• Isabela,
• Quirino,
• Nueva Vizcaya,
• Apayao,
• Kalinga,
• Abra,
• Ifugao,
• Mountain Province,
• Benguet,
• Ilocos Norte,
• Ilocos Sur,
• La Union,
• Pangasinan,
• Zambales,
• Tarlac,
• Nueva Ecija,
• Aurora,
• and the northern portion of Quezon (General Nakar, Infanta, Real) including Polillo Islands
Inaasahang magla-landfall ngayong gabi o bukas ng umaga ang Bagyong Gener sa bahagi ng Isabela-Aurora area.
Kahit malayo ang sentro ng Bagyong Gener sa Metro Manila, magiging maulan pa rin ang panahon sa mga susunod na araw dahil naman sa habagat na pinalalakas nito.