UPDATE: Nakalabas na ng PAR ngayong gabi ang sentro ng Bagyong Helen (#PULASAN) at patuloy na ngayong kumikilos patungong Okinawa, Japan at Southeastern China papalayo sa bansa.

Samantala, kahit nasa labas na ng PAR ang dating mga bagyong sina Gener at Helen ay patuloy pa rin nitong palalakasin ang Habagat na magpapaulan pa rin lalo na sa kanlurang bahagi ng Luzon sa mga susunod na araw.

Maging alerto at handa pa rin sa banta ng mga biglaang pagbaha o pagguho ng lupa.