Palayo na ang bagyong Igme at halos wala nang direktang epekto sa bansa, ngunit ang habagat na naiimpluwensiyahan nito ay patuloy na magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas ngayong weekend.

Ang Lokasyon ng sentro ng bagyo ay nasa 520 km North Northeast ng Itbayat, Batanes. Taglay nito ang Lakas ng hangin malapit sa gitna na aabot sa 55 km/h at Pagbugsong aabot sa 70 km/h. Ang bagyong IGME ay nasa 𝗽𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝘀𝗼𝘂𝘁𝗵𝗲𝗿𝗻 𝗝𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗧𝗮𝗶𝘄𝗮𝗻 at patuloy ang paglayo sa bansa.

Ang enhanced habagat (southwest monsoon) ay nagdudulot ng 𝗺𝗮𝗸𝘂𝗹𝗶𝗺𝗹𝗶𝗺 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗽𝗮𝘄𝗶𝗿𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝘂𝗹𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗩𝗶𝘀𝗮𝘆𝗮𝘀.

Posibleng pinakaramdam ang hanggang sa malalakas na pag-ulan dulot ng habagat ngayong gabi sa 𝗕𝗮𝗯𝘂𝘆𝗮𝗻 𝗜𝘀𝗹𝗮𝗻𝗱𝘀, 𝗜𝗹𝗼𝗰𝗼𝘀 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻, 𝗭𝗮𝗺𝗯𝗮𝗹𝗲𝘀, 𝗮𝘁 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻.

Ang Metro Manila naman, kasama ang nalalabing bahagi ng Luzon, Western Visayas, Northern Samar, Eastern Samar, at Samar ay makakaranas rin ng 𝗺𝗮𝗸𝘂𝗹𝗶𝗺𝗹𝗶𝗺 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗽𝗮𝘄𝗶𝗿𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗹𝗮𝘁-𝗸𝗮𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝘁𝗵𝘂𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀𝘁𝗼𝗿𝗺 ngayong araw.

-- ADVERTISEMENT --

Ang hilaga at kanlurang bahagi ng Luzon, lalo na ang mga nakaharap sa baybayin at matataas na lugar ay makakaranas ng 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗶𝗻𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗯𝘂𝗴𝘀𝗼 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 dulot ng habagat.

Inaasahang 𝗵𝗮𝗹𝗼𝘀 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗜𝗚𝗠𝗘 sa mga susunod na araw at posibleng maging Low Pressure Area (LPA) na lang mamaya o bukas (Linggo). Inaasahang patuloy itong 𝗸𝗶𝗸𝗶𝗹𝗼𝘀 𝗽𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗵𝗶𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗶𝘄𝗮𝗻 bago tuluyang maging LPA.

Bukas (Linggo) ay inaasahang 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗱𝘂𝗱𝘂𝗹𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝘂𝗹𝗶𝗺𝗹𝗶𝗺 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗽𝗮𝘄𝗶𝗿𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝘂𝗹𝗮𝗻 ang enhanced habagat sa malaking bahagi ng Luzon (kasama ang Metro Manila) at Visayas.

Pinakaramdam pa rin ang pabugsu-bugsong hangin at hanggang sa malalakas na pag-ulan na posibleng magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa 𝗜𝗹𝗼𝗰𝗼𝘀 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻, 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗲𝘀, 𝗕𝗮𝗯𝘂𝘆𝗮𝗻 𝗜𝘀𝗹𝗮𝗻𝗱𝘀, 𝗭𝗮𝗺𝗯𝗮𝗹𝗲𝘀, 𝗮𝘁 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻.

Pagsapit ng Lunes ay maaaring𝗺𝗮𝗯𝗮𝘄𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗱𝘂𝗹𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗯𝗮𝗴𝗮𝘁 at mas magpakita na ang araw sa malaking bahagi ng bansa, maliban sa kanlurang mga bahagi ng Northern at Central Luzon na makulimlim pa rin.