Lalo pang lumakas ang bagyong Julian at isa na itong super typhoon.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), kaninang 4 a.m., ang sentro ng Super Typhoon Julian ay nasa 205 kilometers kanluran ng Itbayat, Batanes, na may maximum sustained winds na 185 kilometers per hour at pabugso na 230 km/hr.
Inaasahan na mag-landfall si Julian sa bahagi ng southwestern coast ng Taiwan bukas ng umaga o hapon at aalis sa Philippine Area of Responsibility Huwebes ng hapon o gabi.
Nananatili ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Batanes, Babuyan Islands, at sa northern portion ng Ilocos Norte.
Ang mga lugar na ito ay maaaring makaranas ng lakas ng hangin na 88 kph.
Signal no. 1 naman sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, at northern portion of Aurora.