Lumakas pa at isa nang Severe Tropical Storm ang bagyong Julian (#Krathon) habang lumalapit sa Cagayan-Batanes area kung saan didikit at posible itong maglandfall bukas (Lunes).
Makulimlim na rin ang papawirin at may ilang mga pag-uulan sa malaking bahagi pa ng Luzon.
Ang lokasyon ng sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 305 km East of Aparri, Cagayan. taglay nito ang lakas ng hangin malapit sa gitna na aabot sa 95 km/h at pagbugsong aabot sa 115 km/h. Ang bagyo ay kumikilos West northwestward sa bilis na 10 km/h.
Bagamat ang bagyong JULIAN ay huling namataan sa Philippine Sea sa silangan ng Cagayan, ngunit 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗸 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝘂𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝘀𝗮𝗸𝗼𝗽 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻.
Ang bagyong JULIAN ay inaasahang magdudulot na ng 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗯𝘂𝗴𝘀𝘂-𝗯𝘂𝗴𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 sa Batanes, Cagayan, Isabela, Apayao, Abra, Ilocos Norte, Ilocos Sur, sa mga susunod na oras.
Ang malawak na mga kaulapan naman ng bagyo ay magdudulot na rin ng 𝗺𝗮𝗸𝘂𝗹𝗶𝗺𝗹𝗶𝗺 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗽𝗮𝘄𝗶𝗿𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝗸𝗮𝗹𝗮𝘁-𝗸𝗮𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝘂𝗹𝗮𝗻 at thunderstorm sa nalalabing mga bahagi ng Ilocos Region, CAR, at Cagayan Valley, Central Luzon, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes.
Ang trough o extension ng mga kaulapan ng bagyo ay magdudulot na rin ng 𝗵𝗮𝗹𝗼𝘀 𝗺𝗮𝘂𝗹𝗮𝗽 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗸𝘂𝗹𝗶𝗺𝗹𝗶𝗺 𝗮𝘁 𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝘁𝗵𝘂𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀𝘁𝗼𝗿𝗺 sa Metro Manila at nalalabing bahagi gn Luzon.
Patuloy na lalakas ang bagyong JULIAN habang nasa karagatan at 𝗺𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗮𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗽𝗮 𝗻𝗴 𝗿𝗮𝗽𝗶𝗱 𝗶𝗻𝘁𝗲𝗻𝘀𝗶𝗳𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 na posibleng magresulta sa pagiging 𝗦𝗨𝗣𝗘𝗥 𝗧𝗬𝗣𝗛𝗢𝗢𝗡 sa Lunes o Martes. Nagsimula na itong kumilos pahilagang kanluran at 𝗶𝗻𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝘁𝗮𝘄𝗶𝗿𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗲𝘀-𝗕𝗮𝗯𝘂𝘆𝗮𝗻 𝗜𝘀𝗹𝗮𝗻𝗱𝘀 𝗮𝗿𝗲𝗮 bukas (Lunes).
Tumataas ang tiyansang dumikit o maglandfall ang mata ng bagyo sa nasabing mga lugar, kaya hanggang sa 𝗧𝗿𝗼𝗽𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗖𝘆𝗰𝗹𝗼𝗻𝗲 𝗪𝗶𝗻𝗱 𝗦𝗶𝗴𝗻𝗮𝗹 𝗡𝗼. 𝟱 ang posibleng pinakamataas na ilabas ng PAGASA.
Mula Bukas (Lunes) hanggang Martes ay mabagyo na ang panahon sa Extreme Northern Luzon.
Maaaring pinakamaramdan ang 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗺𝗶𝗻𝘀𝗮𝗹𝗮 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗻𝗮𝗽𝗮𝗸𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗯𝘂𝗴𝘀𝗼 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘁𝗶𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗵𝗼𝘀 𝗻𝗴 𝘂𝗹𝗮𝗻 malapit sa mata ng bagyo sa 𝗕𝗮𝗯𝘂𝘆𝗮𝗻 𝗜𝘀𝗹𝗮𝗻𝗱𝘀 𝗮𝘁 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗲𝘀 𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 (𝗟𝘂𝗻𝗲𝘀).
May hanggang sa 𝗺𝗮𝘁𝗶𝘁𝗶𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗺𝗶𝗻𝘀𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗴𝘀𝗼 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 rin sa mainland Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, at Abra. May hanggang sa 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗯𝘂𝗴𝘀𝘂-𝗯𝘂𝗴𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 rin sa nalalabing bahagi ng Northern Luzon. 𝗠𝗮𝗸𝘂𝗹𝗶𝗺𝗹𝗶𝗺 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗹𝗮𝘁-𝗸𝗮𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗹𝗮𝗻, 𝘁𝗵𝘂𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀𝘁𝗼𝗿𝗺, 𝗮𝘁 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗶𝗻𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗯𝘂𝗴𝘀𝗼 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 sa malaking bahagi ng Central at Southern Luzon, kasama ang Metro Manila. Sa Miyerkoles ay maulan at mahangin pa rin sa Extreme Northern Luzon, ngunit unti-unti nang huhupa ang mga kaulapan at pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Luzon. Manatiling handa at alerto sa pagpapatuloy ng masamang panahon na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa northeastern portion ng Mainland Cagayan (Santa Ana) at eastern portion of Babuyan Islands (Camiguin Is., Babuyan Is.)
Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 naman sa Batanes, the rest of Cagayan, the rest of Babuyan Islands, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, the eastern and central portions of Mountain Province (Natonin, Paracelis, Sadanga, Barlig, Bontoc), the eastern portion of Ifugao (Aguinaldo, Alfonso Lista, Mayoyao), Ilocos Norte, the northern portion of Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, Bantay, San Ildefonso, San Vicente), and the northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran)