Lumakas pa bilang Typhoon Category ang bagyong “Julian” na malapit na sa kalupaan ng extreme Northern Luzon. Batay sa monitoring ng state weather bureau, huling namataan ang bagyo sa layong 245km Silangan ng Calayan, taglay ang lakas ng hangin na 120km/h malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 150km/h. Kumikilos ito pahilaga hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometer per hour. Inaasahang bukas ng umaga o hapon ay magla-landfall ang bagyo sa bahagi ng Batanes bilang isang typhoon o supertyphoon. Dahil dito, posibleng itaas ang TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL NUMBER 4 sa mga lugar na direktang dadaanan nito. Inaasahang ngayong gabi ng Linggo, ang mabagyong panahon sa Cagayan, Ilocos, Batanes at Babuyan Group of island na mas titindi pa bukas. Pinaghahanda na ang mga residente sa nasabing mga lugar dahil posibleng magdulot ito ng malawakang pinsala lalo nat taglay nito ang napakalakas na hangin na halos tangayin ang lahat ng bagay sa labas.
Nanatili namang nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signal (TWCS) No. 3 ang Northeastern portion ng Babuyan Islands.
Habang nakataas naman sa TWCS No. 2 ang buong probinsya ng Cagayan, Batanes, mga natitirang bahagi ng Babuyan Islands (Camiguin Is., Calayan Island Dalupiri Island, Fuga Island), at Apayao. Maging ang northern at central portions ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg, Bangui, Burgos, Pasuquin, Vintar, Carasi, Nueva Era, Solsona, Piddig, Dingras, Sarrat, San Nicolas, Laoag City, Bacarra) ay nakataas din sa signal no. 02.
Samantala, nakataas naman sa TWCS No. 1 sa natitirang bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, northern portion ng La Union (Santol, Sudipen, Bangar, Luna, Balaoan, San Gabriel, Bacnotan), Abra, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, ang northern at central portions ng Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias, Kabayan, Atok, Kibungan, Bokod, Kapangan), Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, northern at central portions ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao).