Isa nang ganap na tropical depression o mahinang bagyo ang low pressure area sa silangan ng Batanes.

Ito ay may local name na “Julian” o ang pang-10 na bagyo sa bansa ngayong taon at pang-anim ngayong buwan ng Setyembre.

Huling naman si Julian sa 525 kilometers sa Itbayat, Batanes, taglay ang maximum sustained winds na 55 km/hr malapit sa gitna, at may pabugso na 70 km/hr.

Kumikilos ang bagyo pababa o south southwestward sa bilis na 15 km/hr.

Bukod kay bagyong Julian, may binabantayan na dalawang weather disturbances sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

-- ADVERTISEMENT --

Ang low pressure area sa silangan ng Luzon, malapit sa Philippine boundary at isa pa na higit 2,000 km. na tropical depression sa may parte ng Guam.

Gayonman, malabo ang tsansa na pumasok sa PAR ang dalawang sama ng panahon at hindi rin makakaapekto sa panahon sa alinmang bahagi ng bansa.