Nananatili sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang mata ng bagyong Julian.
Ito ay huling namataan sa 265 kilometers west northwest ng Itbayat, Batanes.
Ito ay may taglay na lakas na hangin na 165 km/hr malapit sa gitna at may pabugso na hanggang 205 km/hr.
Mabagal itong kumikilos ng north northeastward.
Bagamat nasa labas ng PAR si Julian, nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa Batanes, Babuyan islands, northern at western portion ng Ilocos norte, maging sa north western portion ng mainland Cagayan.
Sa track ng bagyong Julian para sa 24 hr. forecast, ito ay nasa loob ulit ng PAR, at ito ay nag-landfall na sa bahagi ng Taiwan.
Huli itong namataan sa layong 280 km north northwest ng Itbayat, Batanes o sa vicinity ng Kaoshiung City sa Taiwan.
Posibleng lalabas ng PAR si Julian sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.