Nakataas na sa signal number 1 ang ilang bahagi ng Cagayan dahil sa bagyong Julian.

Ayon sa PAGASA, napanatili ng bagyo ang lakas nito habang ito ay patungo sa karagatan ng bansa.

Kasamang nakataas sa tropical cyclone wind signal 1 ay ang Babuyan Islands, San Pablo, Divilacan, Maconacon, Palanan, Cabagan, Santa Maria, Tumauini, Ilagan City, San Mariano sa Cagayan at silangang bahagi ng Apayao gaya ng ,Luna, Pudtol, Santa Marcela at Flora.

Makakaranas naman ng pag-ulan ang malaking bahagi ng Cagayan at ilang bahagi ng Ilocos Region.

Nakita ang sentro ng bagyo sa may 400 kilometers ng East Southeast ng Basco, Batanes.
Mayroong dala itong lakas na hangin ng 55 kph at pagbugso ng hanggang 70kph.

-- ADVERTISEMENT --

Nagbabala din ang PAGASA na lubhang mapanganib pa rin ang maglayag sa mga nabanggit na lugar.